Sunday, March 27, 2005

Para sa alaala ni LIMEE...

Inaalay ng aming grupo ang huling proyektong ito para kay Limee... Hiling namin na siya ay masaya na sa piling ng Panginoon...

flowers

Friday, March 25, 2005

ANG LIHAM NI RIZAL SA MGA KADALAGAHANG TAGA-MALOLOS:ISANG PAGSUSURI

KASAYSAYAN SA LIKOD NG LIHAM

► ANG 21 NA DALAGANG TAGA-MALOLOS AT ANG KANILANG NAIS NA MAKAPAGPATAYO NG ISANG ESKWELAHANG PANGGABI, NA NAGLALAYONG MAGTURO NG WIKANG KASTILA

Magtatapos noon ang taong 1888 nang dalawampu’t isang dalaga mula sa mga tanyag at mayamang angkan sa bayan ng Malolos, Bulacan, ang nagnais na makapagtpatayo ng eskwelahang panggabi na naglalayong sila’y turuan ng wikang kastila. Ito ay sa kabila ng mga pagtutol ng mga kinauukulan sa lugar na yaon, ang kura paroko ng Malolos na si Pari Agustin Fernandez at Gobernador Sibil ng Bulacan na si Heneral Emilio Terrero.(LIST OF WOMEN)Noong 1888, bago umalis si Rizal patungong Espanya, ay nagpunta siya sa tahanan ni Don Tomas Tanchanco na malapit sa Casa Tribunal sa Malolos, at doon ay naisayaw niya ang ilan sa mga dalaga kabilang na si Bb. Emilia Tiongson na siyang kaniyang natandaan. Nailathala noon sa pahayagang La Publicidad ang hindi pag-sang ayon sa mungkahi na ito sa kadahilanang ito raw ay magiging isang panganib sa karangalan ng Espanya. Sa pahayagang ito ay makikita rin ang hindi pagsang-ayon ni Pari Felipe Garcia, na isang prayleng Kastila. Sa katunayan, ay mayroong kautusang buhat sa Hari ng Espanya na palaganapin ang wikang Kastila sa mga nasasakupan nito, ngunit ito ay hindi lubusang naipatutupad sa Pilipinas. Noong Hunyo taong 1888 ay dumating buhat sa Espanya si Gob. Heneral Valeriano Weyler bilang bagong Gob. Hen. Ng Pilipinas kapalit ni Hen. Emilio Terrero. Siya ay nagpunta sa Pilipinas na isa sa mga layunin ay ang maipalaganp ng lubos ang wikang Kastila sa baying nasasakupan. Dito ay nagkaroon ng lakas ng loob ang mga dalaga, na pinangungunahan ni Bb. Emilia Tiongson, na imungkahi sa bagong Gob. Hen. Ang kanilang ninanais.(LETTER OF WOMWN OF MALOLOS TO WEYLER AND LIST OF WOMEN)

► ANG PAGPAPASINAYA NG PAARALAN

Sa tagumpay ng mga dalaga sa kanilang mungkahi ay mayroong mga kondisyon na inihain ang Gob. Heneral. Ang mga ito ay ang pagtuturo ay gaganapin sa umaga sa halip na gabi, gaya ng kanilang ninanais; at ang magiging guro ay si Bb. Guadalupe Reyes sa halip na si G. Teodoro Sandiko. Ang lugar na pinagkatayuan ng eskwelahan ay malapit sa Sto. Nino sa Malolos, dating bahay ni Bb. Rufina Reyes sa daang A. Tiongson. Ito ay nagkaroon ng maraming ulit na paggiba at ito ay nangyari noong 1932 sa utos ng mga bagong may-ari na sina G. at Gng. Francisco Gatchalian, at noong 1979 sa bagong nagmamay-ari na sina G. at Gng. Cesar Buendia Tantoco. Ang pagkakatayo ng paaralan ay nagdulot ng maraming pala-palagay sa Espanya at sa Pilipinas man. Ang pangyayaring ito ay nailathala sa pahayagang La Solidaridad noong Pebrero 15, 1889 sa pamamahala ni Graciano Lopez Jaena bilang patnugot. Noong Marso 15, 1889 ay isa namang tula ang inialay ni “Kuitib” o ni Fernando Caonon na isang miyembro ng Kilusang Pagpapalaganap sa Espanya. Ang tula ay pinamagatang “A Las Dalagas Malolenses” (sa mga dalagang taga-Malolos) na siya namang isinalin sa wikang ingles ni Guadalupe Fores-Ganzon. Ang salin ni Ganzon ay nailathala sa Pamantasan ng Pilipina noong taong 1967. ang mga pagpupuri at pagpupunyagi sa katuparan na ito ng nais ng mga dalaga ay nailathala rin sa iba’t-ibang pahayagan sa Madrid, kabilang dito ay ang Gaceta de Madrid at La Opinion. Sa kabilang banda ang pahayagang Eco Franciscano at La Defensa, mga pahayagan rin sa Espanya ay nagsambit ng pangamba ukol sa aktibidad na ito. Sa kabilang banda ay inuusig ng mga prayle si Teodoro sandiko, ang guro na siyang nakasama ng mga dalaga sa kanilang pakikipaglaban sa mungkahi, na siyang naging dahilan ng kaniyang pagtakas sa Pilipinas patungong Espanya.

► ANG MGA DALAGA BILANG SIMBOLO NG KATAPANGAN

Sa pagkakataong ito ay nakilala rin ang mga dalag bilang simbolo ng katapangan at magandang halimbawa sa mga kababaihan. Mayroong ilang bahagi sa kasaysayan ng pagpapatayo ng paaralan, kung saan ay naipakita ng mga dalagang ito ang kanilang kagitingan. Ang isang panyayari ay ang pagtiwalag ng magkapatid na si basilica at nena Tiongson sa mga alituntunin ng simbahan. Nasasaad rito ang kanilang mainit na argument okay Pari Agustin Fernandez (kura paroko) nang sila ay tanungin ukol sa di pangungumpisal, di pagsisimba, di pag-akyat sa kumbento, at pagakin ng karne sa panahon g kwaresma. Nasambit nila na ang pag-akyat ng isang babae sa kumbento ay isang kahiya-hiyang Gawain. Dito ay nagalit sa kanila ang kura. Ang isa pang halimbawa ng pagpapakita ng kagitinganng mga kadalagahang ito ay makikita sa ginawa ni Bb. Loreto Lucero. Ito ay nang kanyang hinambalos at pinagtabuyan palabas ng kanilang tahanan si Pari Santiago perez, sa kadahilanang mahalay ang kaniyang pananalita. Dahil dito makalipas ang ilang panahon ay nakulong ang ama at tinanggal sa tungkulin si Kap. Antonio Lucero na ang pinalabas na dahilan ay ang kaniyang pagiging miyembro diumano sa mga Maginoo ng Malolos, na ipinatapon sa iba’t ibang bahagi ng katimugang Pilipinas dahil sa kanilang makabayang pag-uugali.

PAGSUSURI SA LIHAM

Ang liham ay sinulat ni Rizal mula sa Londres, Inglatera noong 1888, sa kahilingan ni Marcelo H. del Pilar na isa ring Bulakenyo at kasama niya sa pakikibaka. Ito ay kaniyang sinulat habang nananaliksik sa matandang kasaysayan ng Pilipinas. Makikita natin na tunay ngang sang- ayon si Rizal sa mungkahi na ito ng mga dalaga, dahil makikita natin ang kaniyang sariling hangarin na ang mga Pilipino ay makapag-aral ng wikan Kastila. Saan natin ito makikita? Ito ay ating makikita sa kanyang isinulat na nobelang, Noli Me Tangere kung saan isang kabanat ay nagpapakita kay Ibarra (pangunahing tauhan) na naghahangad na makapagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Kayat gayun na lamng ang pagakagiliw at pagsang-ayon ni Rizal sa mungkahing ito ng mga taga-Malolos. Sa kaniyang liham ay tinuran niya na ang unang pagkilala sa mga babaeng Pilipina-mahinhin, kimi, masunurin, tahimik, at lubos at natural ang mabait, na kadalasan ay nauuwi sa bulag na pagsunod at pagsang-ayon sa bulag ring paniniwala at kautusan ng mga kinauukulan- ay nabago dahil sa pinakitang halimbawa ng mga dalagang taga-Malolos. Dito ay pinuri ni Rizal ang mga dalaga sapagkat sumimbolo sila ng mga bagong babae ng hinaharap at ang kanilang pagtulong at pawang pag-anib sa layunin nila Rizal ng pagbabago. Sinabi rin dito ni Rizal na ang mga babaeng Tagalog ay hindi na payuko- ito marahil ay sumisimbolo sa dating katangian ng mga dalgang Pilipina na inferior sa mga kalalakihan at sa mga mas nakatataaas sa kanila. Sa ngyaon raw ay natuto na ang mga babae na lumaban at imungkahi ang kanilang saloobin. Tinuran rin ni Rizal na ang mga babae ay kailangan na maging isang mabuting ina, o isang mabuting halimbawa sa kaniyang mga anak.

anj_smile (24) Mara Angeline Hernandez

Thursday, March 24, 2005

THE PHILIPPINES A CENTURY HENCE

THE PHILIPPINES A CENTURY HENCE
A. Kasaysayan ng Pilipinas

Bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas upang ipalaganap ang relihiyong Katoliko, ang naninirahan sa bansa ay pawang mga katutubo at Muslim. Mayroon sila noong sariling pamahalaan, na binubuo ng mga barangay at pinamumunuan ng mga datu, raha o ng mga pinakamatatandang kasapi nito. Nakikipagkalakalan na rin noon ang mga Pilipino sa mga karatig-bansa, gaya ng Tsina. Mayroon silang sariling kultura, awit, tula, paraan ng pagsulat, wika, mga tradisyon, batas at paniniwala.

Sa pagdating ng mga Kastila, tinalikuran at nakalimutan ng Pilipinas ang kanyang sariling mga tradisyon, kultura, at pagkakilanlan. Niyakap niya ang dayuhang doktrina at tradisyon na hindi niya naman gaanong nauunawaan. Pinilit niyang intindihin ang wikang tinutulang ituro ng mga naghaharing-uri bagama’t ito ay nararapat lamang ayon sa itinakda ng Inang Espanya. Nagbihis siya gaya ng gayak ng mga taong nagmula sa kanlurang bahagi ng mundo, kahit na hindi naman gaanong angkop sa klima ng bansa o bagay sa kanya ang nasabing pananamit. Tuluyan niyang kinalimutan ang kanyang sarili

Sa kabila ng pagyakap sa tradisyong ito, niyurakan at ininsulto ng mga Kastila ang mga Pilipino. Dahil sa mga insulto’t pasakit ay nagising ang pagmamahal sa sarili ng mga Pilipino. Ninais niyang magkaroon ng mga reporma’t pagababgo, kung hindi magkakaroon ng isang rebolusyon. Ang mga kabataan noon na may pera at kakayahan ay nangagsipag-aral sa Inang Espanya, at siyang mamumuno sa nasabing rebolusyon.

B. Dalawang kapalaran para sa Pilipinas

Una, mananatiling tapat sa Espanya ang Pilipinas. May posibilidad na mangyari ito sapagkat nagiging liberal na ang mga pinuno noon ng pamahalaan sa Pilipinas. Ang mga tinig na humihingi ng reporma ay lumalakas na rin. Wala ring kaaway ang Espanya. Para mangyari ito, dapat na payagan na magkaroon ng representaasyon sa Cortes ang Pilipinas para maiparating ng Pilipinas ang mga hiling at hinaing niya sa Inang Espanya. Dapat ding magkaroon ng kalayaan sa pamamahayag. Magiging mabilis ang komunikayson at mas mabilis na maipararating ang mga hinaing sa Espanya. Dapat lamang daw ito sa Pilinas dahil malayo siya sa bansang sumasakop sa kanya.
Ikalawa, wawakasan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Espanya kung ang respetong hinihingi ay di maibibigay. Magkakaroon ng himagsikan kung patuloy na babalewalain ang mga hinaing ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino noong nag-aaral sa Inang Espanya na patuloy na nakikipagkomunikasyon sa kanyang bayang Pilipinas ay siyang magiging utak ng lahat nitong pagkilos. Ang pagbabago’y magiging payapa at matagumpay kung magsisimula sa mga nakakatataas sa lipunan; magiging bayolente at madugo naman kung magsisimula sa mga taumbayan. Sang-ayon sa kapayapaan at kaayusan ang mga mayayaman sapagkat mas maraming mawawala sa kanila kung magkaroon ng kaguluhan, samantalang ang kahirapan ang siyang nagbibigay ng pagnanais na magkaroon ng pagbabago.

C. Mga posibleng manakop sa Pilipinas at kung bakit hindi ito mangyayari

• Inglatera (UK) - abala na raw ito sa maraming kolonya, gaya ng Africa.
• Alemanya (Germany) - hindi naman niya nais na makipagsapalaran at hatiin ang kanyang puwersa; abala na rin ito noon sa mabilisang pananakop sa mga teritoryong walang nagmamay-ari; ayaw niya sa dayuhang komplikasyon.
• Pransiya (France) - hindi rin nito sasakupin ang Pilipinas sapagkat marami na itong ginagawa at mas nakakikita ng hinaharap sa Tongking at Tsina; ibig man niya ng karangalan ay gusto niyang magmula ito sa mga pakikidigma sa Europa at hindi siya masisiyahan sa alingawngaw lamang ng labanan sa Malayong Silangan; marami nang obligasyon ang Pransiya, sa sariling bayan at maging sa Europa.
• Olandes (Holland) - matalino ang bansang ito at kuntento na sa Moluccas at Java at maingat na mawala sa kanya ang Sumatra at Borneo; mas magandang hinaharap daw ang maibibigay ng Sumatra sa Holland kaysa ng Pilipinas.
• Tsina – mapalad na siya kung mapananatiling buo ang sarili sa kabila ng mga pangongolonya ng mga bansang Europeo sa rehiyong Asya
• Hapon (Japan) – minamanman siya’t kinaiinggitan ng Rusya; sobra sa populasyon, ngunit mas nakaaakit sa kanya ng Korea dahil mas madaling sakupin kaysa Pilipinas
• Amerika (US) – sakaling maibigang manakop na rin ay hindi papayagan ng Europa sapagkat alam ng huli na ang mas iigting ang naising manakop ng Amerika matapos ang unang pagtatangka, kaya’t itinuturing na magiging magirap na kaagaw; ang pananakop ay salungat sa kaniyang mga tradisyon at paniniwala; sa paglaban sa kolonyalismo, ang Amerika ang kampeon sa “Bagong Daigdig,”

D. Pagsusuri

Sa kabuuuan, ang layunin ng sanaysay ay ang paghingi ng reporma sa Espanya. Dahil sa pakikidigma laban sa mg Kastila, Ayon sa sanaysay, ang pagkakaroon ng Pilipinas ng representasyon sa Spanish Cortes at ang pagkakaroon ng kalayaan sa pamamahayag ang ilan sa mga repormang hinihingi ng Pilipinas. Kung matatandaan, kasama rin ito sa mga repormang nilalayon ng kilusang La Liga Filipina nina Rizal.

Ang sanaysay ay tinapos ni Rizal sa pamamagitan ng isang tanong. “Spain, must we some day tell Filipinas that thou hast no ear for her woes and that of she wishes to be saved, she must redeem herself?” Ang kalayaang nakamtan dahil sa pagdanak ng dugo at pagsasakripisyo ay tunay na pag-iingatan at ipagtatanggol ng Pilipinas. Susubukin ng kanyang mga anak na pagtibayin at palakasin ang bayan, sa alaala ng nakaraan nila. Kung hindi pakikinggan ng Espanya ang mga hiling at hinaing ng Pilipinas ay gagawa ito ng paraan upang magkaroon ng pagbabago, na siya ngang nangyari.
Naging prophetic ang pagsasabi ni Rizal na isa ang Estados Unidos sa maaaring sumakop sa Pilipinas sapagkat sinakop nga tayo ng bansang ito. Ang kaibahan ng Amerika sa mga Kastila ay ang paniniwalang ang edukasyon ay para sa lahat. Tinuruan din nila tayo ng wika nila at pinayagang magsalita rin nito.

Sa kasalukuyan, nasaan na nga ba tayo? Ipinagdiwang natin noong 1998 ang sentenaryo ng ating paglaya mula sa pananakop ng mga Kastila. Sa taong 2046, malamang ding ipagdiwang ang pagalaya natin mula naman sa kamay ng mga Amerikano. Pero sa katotohanan, malaya na nga ba tayo? Kung hindi man sa mga dayuhang mananakop, mayroon pa rin bang patuloy na pumipigil sa mga Pilipino na madama ang ganap na kalayaan? Mayroon nang kalayaan sa pamamahayag. Kung tutuusin ay napakalakas ng impluwensiya ng media sa pag-iisip ng mga Pilipino nagyon. Sa kabila nito, nariyan ang katotohanang maraming Pilipino ang naghihirap sa ngayon. Maraming kabataan ang sa halip na maglaro o mag-aral ay nasa lansangan naninirahan o nagahahanapbuhay. Maraming mga nagsisipagtapos sa kolehiyo ngunit walang trabaho dahil walang oportunidad. Marami tuloy sa kanila’y napipilitang pumunta sa ibang bansa upang doon makipagsapalaran. Ito ang ilan sa mga mukha ng Pilipino ngayon.

Isandaantaon mula ngayon, ano kaya ang kahihinatnan ng Pilipinas? Darating kaya ang araw kung saan madarama ng mga Pilipino na tunay silang malaya?

paula Paula Nikola Fernandez

Wednesday, March 23, 2005

INDOLENCE OF THE FILIPINOS

By Jose Rizal

• Indolence
o sa Tagalog ang ibig sabihin ay katamaran; walang silbi; ayaw gumawa.
o sa Ingles naman ay dislike of work; laziness, idleness
o or disposition to be idle, the lack of inclination to work.


• Ito ay isang sanaysay na sinulat ni Rizal bilang depensa para sa mga Indio na kung saan tinawag na tamad ang mga Pilipino ng mga kolonyal na Espanyol.
• Ipinakita dito ni Rizal ang madaming katwiran at halimbawa upang ihayag ang sinasabing indolence ay isang epekto lamang ng dehumanizing conditions na kung saan ang mga Indio ay sapilitang mabuhay.
• Dinagdagan ni Rizal ang kahulugan ng indolence. Ito ay “the inclination to live off the labor of others”.
• Inamin ni Rizal na tamad ang mga Pilipino. Pero ito ay dahil sa init ng klima sa ating bansa.
• Lubhang nakapagpapapawis at nakapanghihina ang init at madalas silang “sumilong sa lilim”.
• Ang init ay nakapagpapalusog sa lupa, kaya ang mga pananim ay hindi kailangang lagging alagaan.
• Sinabi ni Rizal na hindi mana o likas ang katamaran sa mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Ang totoo, bago dumating ang mga Kastila, ang mga Pilipino ay may masiglang pakikipagkalakalan sa mga Instik, Hapon, Arabe at Malay.
• Naging laganap lamang ang katamaran ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila.
• Dahil sa masasamang palakad ng pamahalaan, tiwaling pagtuturo ng relihiyon at dahil sa ugali na rin ng mga Kastila.
• Bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Kastila ay nakikipagkalakalan na tayo sa ibang bansang Asyano at Gitnang Silangan. Ngunit ito ay naputol ng monopolya ng Galleon Trade. Sa Espanya lamang via Mehiko maaaring makipagkalakalan ang mga Pilipino. Dahil dito ay natigil ang mga mumunting industriya at mga gawaing kamay. Kaya sinira ng mga Kastila ang kasipagan at pagkukusa ng mga Pilipino.
• Kinitil din ng mga Kastila ang pagmamahal ng mga Pilipino sa paggawa dahil sa tinatawag na “forced labor”. Dahil sa pakikidigma ng Espanya laban sa ibang bansang Europeo at sa mga Muslim sa Mindanao, ang mga Pilipino ay pilit na pinagawa sa paggawa ng barko, pagpuputol ng mga kahoy at paggawa ng mga kuta. Sinabi nga ni Morga na nalimutan ng mga Pilipino ang kaalaman sa pagsasaka, pagmamanukan at paghahayupan at pagtatanim at pag-aalaga ng bulak, gayon din ang paghabi ng damit pagkaraan ng 320 taon.
• Kung meron mang edukasyon ay tiwali ang sistema nito. Ang itinuturo noon ay puros dasal at ibang karunungang hindi magagamit ng nagsisipag-aral. Walang kursong pang-agrikultura, pang-industriya at iba pa, na lalong kailangan noon ng Pilipinas.
• Hindi tama ang ipinakikita ng mga namumunong Kastila. Tanghali na kung pumasok sa opisina at maaga kung umalis, gayong wala namang nagagawa kundi magbasa ng dyaryo at pumirma ang mga opisyal. Ang mga babae ay sinusundan ng mga alila at pati ang pagbibihis at pagpaypay ay ang mga ito pa ang gumagawa.
• Hinayaang lumaganap ang sugal. Halos araw-araw ay may sabong at kung pista, ang mga pinunong-bayan at mga prayle ang nagpapasimuno ng kung anu-anong sugal.
• Mali ang pagtuturo ng relihiyon. Itinuro ng mga prayle sa mga mangmang na Pilipino na “ang mga dukha ay makararating sa langit” at ang mga mayayaman ay matutungo sa impiyerno.
• Mataas ang buwis na ipinapataw sa mga Pilipino. Sa pamahalaan o sa mga prayle napupunta ang kalakhan ng bahagi ng kanilang inaani.
• Ayon kay Rizal, ang kawalan ng diwa ng pagkakaisa ay sanhi ng katamaran ng mga Pilipino. Dahil kung walang pagkakaisa ang mga mamamayan, wala silang lakas na hadlangan ang mapaminsalang hakbang ng pamahalaan at iba pang puwersa ng lipunan. Wala ring pagsusumigasig upang maisagawa ang mga bagay na makapagpapaunlad sa nakararami. Ang lahat kung gayon ay hindi kikilos, parang isang baying patay. Kaya sa konklusyon ay sinabi ni Rizal, “ang tao sa Pilipinas ay isang indibidwal; hindi siya mamamayan ng isang bansa.”
• Kung titingnan ay ang mga Kastila ang may sala sa pagiging tamad ng mga Pilipino.
• Kung tutuusin ay gustong mag-aral ng mga Pilipino subalit walang paaralan o kung mayroon man ay kulang sa gamit at tamang salalayan ng karunungan. Gusto ding magnegosyo ngunit walang perang pangpuhunan at kawalan ng proteksiyon mula sa pamahalaan. Gusto ding magbungkal ng lupa at magtayo ng industriya subalit mataas naman ang buwis at nagsasamantala pa ang mga namumuno.
• Maaaring magkaisa ang mga Pilipino subalit pinagkaisa na ito ng mga Kastila bilang isang kolonya at bilang isang komunidad na Kristiyano.
• Ganoon din malamang ay hahadlangan ng mga Kastila ang iba pang uri ng pagkakaisa, para sa ikakaayos ng mamamayan.
• Sinabi ni Rizal na ang indolent o ang tamad ay ang mga Kastila hindi ang mga Indio dahil ang Peninsulares ay ninais ang magandang buhay ng walang paghihirap o pagtratrabaho.

ann_02 Julie Ann I. Bernardo

Tuesday, March 22, 2005

MGA ANOTASYON NI RIZAL SA Sucesos de las Islas Filipinas NI ANTONIO DE MORGA

Pagsusuri sa mga Anotasyon ni Jose Rizal sa Sucesos de las Islas Filipinas
ni Antonio de Morga


A. Ang Sucesose de las Islas Filipinas at si Antonio de Morga

The greatness of the monarchy of the Spanish kings is due to the zeal and care with which they have defended, within their own hereditary kingdoms, the holy Catholic faith taught by the Roman church, against all enemies who oppose it, or seek by various errors to obscure its truth which the kings have disseminated throughout the world…
- Antonio de Morga

Isa sa mga unang libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, Sucesos de las Islas Filipinas, ay sinulat ni Antonio de Morga. Ito ay isang sanaysay na nagpahiwatig ng mga pangyayari sa loob at labas ng bansa mula 1493 hanggang 1603, at sa kasaysayan ng Pilipinas mabuhat 1565. Ang sulatin ni Morga ay importante sapagkat siya ay isang royal official ng Espanya, isang keen observer, at kasama sa mga pangyayari sa bansa. Ang sakop ng librong ito ay ang pulitikal, sosyal, at ekonomikal na aspeto ng mga mananakop at sinasasakop. Kasama na rin ang mga praktikal na pang-araw araw ng mga gawain sa mga isla, polisiya ng gobyerno, at mga kalakasan at kahinaan nito.

Ang una hanggang pitong kabanata ay tungkol sa mga nahanap, nasakop, at iba pang nangyari sa bansa at sa mga kalapit na bansa hanggang sa administrasyon at sa pagkamatay ni Don Pedro Acuña. Inihati ang mga kabanata ayon sa iba’t ibang Español na namahala sa voyage ng Espanya at pati na sa bansa, tulad nila Legazpi, de Lavezaris, de Sande, de Pefialosa, de Vera, Dasmariñas, Tello at iba pa. Ang ika-walong kabanata ay tungkol sa mga natives, gobyerno, conversions, at mga iba pang nangyari sa bansa na nakatuon sa mga Pilipino.


B. Ang Anotasyons sa Sucesos de las Islas Filipinas at si Jose Rizal

Taong 1890 nang inilabas ni Jose Rizal ang anotasyons sa libro ni Antonio de Morga. Sa panahong iyon ay nakapunta na siya sa iba’t ibang parte ng mundo, tulad ng Espany, Fransya, Germany, Czechoslovakia, Austria, Switzerland, Italy, China, Hong Kong, Japan, Esatdos Unidos, at Englatera. Nakakapagsalita na rin siya Spanish, French, German, Italian, Japanese and English.

Sa kanyang paglalakbay ay pinagbuti niya ang pag-aaral sa kasaysayan, kultura ng Pilipinas, at sa pananalita ng wikang Pilipino. Binigyan niya ng malaking importansya ang pambansang wika sapagkat alam niya na ito ang salapi ng isang bayan upang maintindihan at makilala ang pinanggalingan at makita ang paroroonan. Kahit na siya ay mas interesado sa sosyal at agham, nakita niya ang mga kailangang sangkap upang magkaroon ng mas maganda at malaganap ang isang bayan.

Sa paglahad ng anotasyons sa Sucesos de las Islas Filipinas, gusto ni Rizal na mapakita ang kasaysayan ng Pilipinas, hindi lamang sa panahon ng pananakop ng mga Español, pati na ring ang lagay ng Pilipinas bago ito sakupin at ang kalagayan niya sa panahong iyon. Pinili niya ang Sucesos sapagkat naramdaman niyang kailangan ibunyag ang testimonya ng isang Español na sinakop ang kinabukasan ng Pilipinas sa pagpasok sa panibagong yugto ng bansa at pati na rin dahil si de Morga ay saksi sa huling hininga ng ancient nationality. Kasama sa kanyang mga anotaysons ang pagbibgay liwanag sa mga detalye ng libro, ang mga hindi pagsangayon sa mga sinulat ni de Morga, at pati na rin ang mga konpirmasyon sa mga parte ng kasaysayan mula sa ibang sulatin.

To foretell the destiny of a nation, it is necessary to open the books that tell of her past...
-Jose Rizal

C. Pagsusuri

God! Gold! And Glory! Ito ang mga layunin ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas. Maraming tinalakay si Rizal sa kanyang anotasyon: ang gobyerno at bansang Espanya, ang Katolikong relihiyon, mga pangalan at lalawigan sa Pilipinas, ang kultura ng Pilipinas, ang mga Pilipino, ang mga Intsik, at ang kasakiman at pananakit ng Espanya.

• God!

Sa sanaysay ni Morga, ang pagtukoy niya sa Kristyanong relihiyon ay ang Roman Catholic. Ayon sa pananaliksik ni Rizal ay ingat si Morga sa pagtalakay dito sapagkat gusto niyang mapanatili ang pagiging dalisay ng relihiyon.
Hindi kasing lawak ang conversions na nagawa ng mga misyonaryo tulad ng mga sinasabi ng mga Español. Marami pang hindi nasakop ng relihiyon, lalo na sa gawing Mindanao. Ayon kay Rizal, marami pa ring tribo na hindi Kristyano.

Ang propagandang relihiyon ay di mapagkakailang may pulitikal na motibo. Hindi lamang napasailalim ang mga Pilipinong Kristyano sa bagong paniniwala kundi pati na rin sa hari ng Espanya.

Binigyang liwanag ni Rizal ang sinabi ni Morga na walang lugar o probinsya na hindi nag-resist o kaya’y ayaw sa pagpapalit ng relihiyon. Sabi ni Rizal na ito’y totoo sa mga civilized natives ngunit di ito sangayon sa mga tribo na nakatira sa mga bundok. May mga testimonya ang ilan sa mga Dominikano at Augustinian na imposibleng magawa ang kanilang layunin na walang kasamang Pilipino o kaya mga sundalo.

• Gold!

Ang pangalawang layunin ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas ay ang ginto. Sinasabi ng Espanya na walang naibigay ang Pilipinas at malaki ang utang na loob ng bansa sa kanya. Ang sagot ni Rizal dito ay, “It may be so, but what about the enormous sum of gold which was taken from the islands in the early years of Spanish rules, of the tributes collected by the encomenderos, of the nine million dollars yearly collected to pay the military, expenses of the employees, diplomatic agents, corporations and the like, charged to the Philippines, with salaries paid out of the Philippine treasury not only for those who come to the Philippines but also for those who leave, to some who never have been and never will be in the islands, as well as to others who have nothing to do with them…”

Ngunit hindi lang ang mga gintong nahuhukay at natatamo sa lupa ang kinuha ng Espanya. Sa mga salita ni Rizal, “Yet all of this is as nothing in comparison with many captives gone, such a greatnumber of soldiers killed in expeditions, islands depopulated, their inhabitants sold as slaves by the Spaniards themselves, the death of industry, demoralization of Filipinos, and so forth, and so forth…”

Di mapagkakaila na marami rin ang naitulong ng Espanya sa Pilipinas, ngunit napakalaking kasawian ang dinanas ng mga Pilipino para lang makamit ng mga Español ang gutom nila sa kayamanan.

• Glory!

Ang ikatlong layunin ng Espanya ay ang pagiging supremo! Maraming nadiskubre ang Espanya mabuhat sa Pilipinas, ngunit sa bansa natin makikita ang tatak ng isang conquistador. Ang una ay ang relihiyon na tinalkay na sa unang bahagi. Ang pangalawa ay ang pagpapalit ng pangalan ng mga lugar na nasakop, tulad ng Cebu na unang pinangalanan na “The village of San Miguel” at ang Bisayas na tinawag na “ land of the Painted People” o “Pintados” sa wikang Espanyol, at pati na mismo ang sariling pangalan ng bansa – Philippines, na hinango sa pangalan ni King Philip ng Esapnya. Ang pangatlo ay ang pagmamaliit sa lugar at taong sinasakupan.

Tinabunan ng mga Espanyol ang galing ng mga Pilipino tulad sa paggawa ng artillery cast na sinabi ni Morga ay gawa ng mga kamay ng mga ancient Filipino bago pa man dumating ang mga Espanyol. Sa sobrang pagnanais ng Espanya na maging at maturing angat sa lahat ay naging mababa ang pagtingin ng Pilipino sa kapwa Pilipino. Hinigop nito ang lakas ng loob, kakayahan, at kagalingan na likas sa mga nasakop.

Malawak at marami pa ang maaaring masuri sa anotasyons ni Jose Rizal sa Sucesos de las Islas Filipinas. Malaki ang natulong na nagawa sa akin sa pagbasa nito. Marami akong natutunan at mas naintindihan sa kasaysayan ng Pilipinas at pati na rin sa mga naging mananakop. Tunay na magaling at kakaibang manunulat si Rizal. Ang kanyang talino ay higit sa nakararami at tunay na nakakabukas-isip sa isan katauhan.

sun on hair... Anna V. Manuel